Na-stranded ng mahigit 36 na oras sa loob ng isang tren sa Oregon City sa Amerika ang nasa 200 pasahero.
Ang tren ay patungo sana sa Los Angeles pero huminto ito pagsapit sa Eugene sa Oregon.
Ayon sa tagapagsalita ng Amtrak na si Olivia Irvin, isang puno ang tinamaan ng tren na nagresulta ng pagka-diskaril nito.
Kinailangang hatakin ang tren upang maialis sa riles.
Ang matinding snow umano ang dahilan kaya mayroong bumagsak na puno sa daraanan ng tren.
Dahil sa nasabing insidente, suspendido ang operasyon ng Amtrak sa pagitan ng Portland at Eugene stations hanggang sa March 1 araw ng Biyernes.
MOST READ
LATEST STORIES