Sinampahan ng kasong inciting to sedition si Sen. Antonio Trillanes IV.
Ito ay kaugnay sa kanyang pahayag na dapat patayin ng mga sundalo si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ng Pasay City Prosecutors’ Office na may probabale cause para sampahan ng kaso ang mambabatas base sa kanyang pahayag na sinabi sa Senado noong Setyembre 5, 2018.
Ang kaso ay isinampa ni Labor Usec. Jacinto Paras na nagsabi ring hinihikayat ni Trillanes ang mga sundalo na maglunsad ng kudeta laban sa pamahalaan.
Bukod sa kasong sedition ay nahaharap rin si Trillanes ay nahaharap rin sa iba pang mga kaso tulad ng libel na isinampa ni dating Davao Vice Mayor Paolo Duterte at Atty. Mans Carpio sa Davao City.
Ilang beses na rin siyang nasangkot sa mga bigong pag-aaklas laban sa administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.