Ang kanyang resignation ay isinumite at tinanggap ni Labor Sec. Silvestre Bello dalawang linggo na ang nakalilipas.
Hindi na nagbigay ng paliwanag si Ignacio sa dahilan ng kanyang pagbibitiw pero nagsabing magpapatawag siya ng press conference sa linggong ito para magbigay ng detalye sa nasabing balita.
Bago siya naitalaga sa OWWA bilang executive director na nakatutok sa mga kaso ng mga Overseas Filipino Workers ay unang itinalaga si Ignacio bilang Assistant Vice President for the community relations and services department ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor).
Noong 2016 ay isa si Ignacio sa mga unang artista na nagbigay ng suporta sa kandidatura ni Pangulong Rodrigo Duterte.