Muling binuhay ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang kampanya laban sa mga hindi otorisadong paggamit ng sirena o “wang-wang” pati na rin ng blinkers sa mga lansangan.
Sinabi ni PNP Chief Oscar Albayalde na mahigpit ang kanyang tagubilin sa Highway Patrol Group na hindi dapat lubayan ang paghuli sa mga motorista na pasawas sa paggamit ng ipinagbabawal na wang-wang at blinkers.
Kadalasan umanong ginagamit ng ilang mapagsamantalang mga motorista ang nasabing mga vehicle accessories para sumingit sa mabigat na daloy ng trapiko.
Nagpaalala rin ang opisyal sa mga kandidato na hwag gumamit ng mga wang-wang at blinkers dahil ito ay kanilang kukumpiskahin kasabay ng pagsasampa ng kaso.
Ayon kay Albayalde, pwedeng ma-revoke ang certificate of registration ng isang sasakyan na mayroong iligal na accossories.