BTA nag-takeover na sa pamamahala sa ARMM

Photo: BPI-ARMM

Pormal nang nanungkulan ang mga bagong opisyal ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) na siyang hahalili sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa isang simpleng seremonya sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex sa Cotabato City.

Sina Moro Islamic Liberation Front (MILF) Chairman Murad Ibrahim at outgoing ARMM Gov. Mujiv Hataman ang nanguna sa nasabing pagtitipon.

Si Murad ang tatayong pinuno ng binuong Bangsamoro Transition Authority (BTA) samantalang miyembro naman ng lupon si Hataman na nagdesisyon naman na mag-resign na lang para bigyang laya ang pagbuo sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na papalit sa ARMM.

Si Hataman ay nakatakdang tumakbo bilang gobernador sa lalawigan ng Basilan.

Samantala, ilan sa mga itinalagang opisyal ng binuong BTA ay sina: Engr. Edward Guerra, Minister of Budget and Finance; Dr. Zafrullah Dipatuan, Minister of Health at Atty. Naguib Sinarimbo, Minister of Interior and Local Governance.

Nabigyan rin ng posisyon sa BTA sina Atty. Raisa Jajurie, Minister of Social Service; Melanio Ulama, Minister of Indigenous Affairs Mohagher Iqbal na dating MILF spokesman bilang Minister of Education; Mohammad Yacob, Minister of Fisheries and Agriculture;

Abdulraof Macacua, Minister of Environment; Murad Ebrahim, Minister of Public Works and Highways at Hussein Munoz, Minister of Public Order and Safety.

Sa kanyang panig ay pinasalamatan ni Murad si Hataman sa maayos na transition of leadership na naganap ngayong araw.

Read more...