Pinansin ni Sotto na may ilang ahensiya ng gobyerno partikular na ang Philippine Export Processing Authority ang may sariling diskarte sa pagpapatupad ng naturang batas.
Aniya nadiskubre sa nangyaring panununog sa Resorts World Manila ang overlapping authority ng BFP at PEZA.
Kaya’t sa inihain niyang Senate Bill No 2196, nais ni Sotto na amyendahan ang ilang probisyon sa batas para tanging ang BFP na lang tanging maaring magpatupad ng Fire Code.
Gusto ng senador na pangunahan ng BFP ang lahat ng pagsasanay na may kaugnayan sa pag apula ng sunog at kung ano ang mga dapat gawin kapag may sunog.
Bukod dito gusto rin ni Sotto na magamit sa modernisasyon ng kawanihan ang mga bayad na nasisingil ng BFP kaugnay sa kanilang mandato.
Sa loob ng tatlong araw ay papasok na ang buwan ng Marso, na idineklarang Fire Prevention Month.
Ibinahagi pa ni Sotto na noong 2017, nakapagtala ang BFP ng 14,197 fire incidents at higit 12 porsiyento dito ay naganap ng buwan ng Marso.