Pindadalo ng DOJ ang si Mayor Charmax Yuson at ama nitong si Vice Mayor Charlie Yuson III sa pagdinig.
Bahagi ito ng isinasagawang preliminary investigation ng binuong DOJ panel matapos maghain ng reklamong kriminal ang PNP-CIDG Masbate Provincial Field Unit noong February 14 laban sa mag-ama.
Inatasan ng DOJ ang mag-ama na magsumite ng kanilang counter-affidavits sa Marso 1 at 12 para sa mga kasong illegal possession of firearms and ammunition o paglabag sa Section 28 ng Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulation Act.
Ayon sa DOJ panel, sakaling mabigo ang dalawa na maghain ng kanilang kontra-salaysay ay ikukunsiderang waive na ang kanilang karapatan na magprisenta ng kanilang depensa sa preliminary investigation.
Matatandaan na noong February 13, 2019, sinalakay ng mga operatiba ng PNP at Philippine Army ang bahay ni Mayor Yuson at ang Beach resort ng ama nito sa Butuan MAsbate, kung saan narecover ang mga baril at pampasabog.
Isinagawa ang raid base sa search warrant na inisyu ni Manila RTC branch 37 Executive Judge 37 Executive Judge Virgilio Macaraig.