Binati ng Fil-Am at Cleveland Cavaliers guard Jordan Clarkson ang Gilas Pilipinas.
Ito ay makaraang makapasok ang Gilas sa FIBA World Cup.
Sa kaniyang post sa Instagram, sinabi ni Clarkson na umaasa din siyang magkikita-kita sila ng mga manlalaro ng Gilas sa China para FIBA.
Sa naturang post, ibinahagi ni Clarkson ang kaniyang larawan suot ang Pilipinas Jersey.
Naglaro noong Agosto para sa bansa si Clarkson sa Asian Games.
Una rito sinabi ng Gilas Pilipinas na gagawin nila ang lahat upang mapayagan ng FIBA na makalaro si Clarkson sa Philippine team.
Sa katapusan ng Agosto magsisimula ang FIBA World Cup.
MOST READ
LATEST STORIES