Kim Jong-un dumating na sa Vietnam para sa summit nila ni Pres. Trump

Matapos ang mahigit 60-oras na biyahe galing Pyongyang nakarating na sa Vietnam si North Korean leader Kim Jong-un.

Ito ay para sa nakatakda nilang summit ni US President Donald Trump.

Sakay ng tren, bumaba si Kim sa Dong Dang Station sa Lang Son province.

Agad dumoretso si Kim sa capital city na Hanoi sakay ng Mercedes limousine.

Araw ng Miyerkules at Huwebes ang nakatakdang summit ng dalawang lider.

Read more...