Korean actor na si Seo Kang-jun, darating sa bansa

Magkakaroon ng fan meet ang Korean actor na si Seo Kang-jun sa Pilipinas sa buwan ng Mayo.

Ito ay gaganapin sa May 25, 2019 ayon sa Facebook post ng CDM Management.

Ang “The Last Charm: Seo Kang-jun Live in Manila” ay gaganapin sa New Frontier Theatre sa Quezon City.

Magiging available ang tickets simula Marso 23 na nagkakahalaga ng P3,000 hanggang P8,950.

Si Seo ay kilala sa kanyang mga drama tulad ng “Cheese in the Trap” (2016), “Entourage” (2016), “Are You Human?” (2018) at “The Third Charm” (2018).

Miyembro din siya ng Korean group na 5urprise na binuo noong 2013.

Read more...