Miss Universe Catriona Gray nag-courtesy call kay VP Leni Robredo

Photo from Bb. Pilipinas
Nag-courtesy call kay Vice President Leni Robredo si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Isang maiksing programa at video presentation ang inihanda ng Office of the Vice President para kay Catriona.

Ani Robredo, oportunidad ito upang pasalamatan si Catriona sa karangalang ipinagkaloob niya sa bansa.

Pinapurihan din ni Robredo si Catriona sa kaniyang mga adbokasiya para sa kapakinabangan ng mga bata.

Sa kaniya namang mensahe, hinikayat ni Catriona ang bawat mamayang Filipino na mag-ambag kahit sa maliit na paraan sa kani-kanilang komunidad.

Read more...