Puganteng Koreano na wanted sa kasong murder ipinade-deport na ng BI

Ipinatatapon na palabas ng bansa ng Bureau of Immigration (BI) ang isang overstaying at puganteng Koreano na wanted sa Seoul dahil sa kasong pagpatay sa kapwa nito Koreano 15-taon na ang nakararaan.

Ayon sa BI, nakadetine ngayon sa Immigration Detention Facility sa Taguig ang 55-anyos na si Sim Sang Bum matapos itong maaresto ng mga operatiba ng Fugitive Search Unit ng BI noong February 20 sa Gonzaga, Cagayan.

Sa datos ng Immigration, mula noong 2002 ay hindi na umalis pa ng bansa si Sim.

Ipapa-deport na si Sim matapos ang utos ng BI board of commissioner para sa summary deportarion nito na inisyu noong pang November 2014.

Ginawa ng BI ang kautusan kasunod na rin ng impormasyon mula sa Korean Embassy na may kinakaharap itong kaso sa kanilang bansa.

Si Sim ang itinuturong bumaril at nakapatay kay Jeong Gachoon sa Santiago City, Isabela noong Jan. 12, 2003 matapos ang mainitang pagatatalo dahil sa kanilang car business.

Kinansela na ng Korean government ang pasaporte ni Sim at ilalagay narin siya sa blacklist ng Immigration sahil sa pagiging undesirable alien para matiyak na hindi na ito makakabalik pa ng Pilipinas.

Read more...