Walang konkretong report hinggil sa pagdukot sa mga bata sa Metro Manila – NCRPO

Bagaman maraming kumakalat na balita hinggil sa mga insidente ng pagdukot sa mga bata, sinabi ng National Capital Region Police Office na walang konkretong report hinggil dito.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni NCRPO chief, Dir. Guillermo Eleazar, sa Metro Manila, walang natatanggap na report o reklamo ang NCRPO hinggil sa nawawalang bata na hindi na natagpuan.

Paglilinaw ito ni Eleazar upang maiwasan rin ang panic sa publiko matapos ang ulat na may tatlong lalaking nadakip sa Quezon City dahil sa tangkang pagdukot sa mga bata.

Ani Eleazar, walang malinaw na reklamo laban nasabing mga suspek na sila ay sangkot sa pagdukot sa mga bata.

Maging ang isang babae sa Paranaque City na naaresto kamakailan at umamin hinggil sa grupo nila na nangunguha ng mga bata.

Sinabi ni Eleazar na bagaman may ganitong pahayag ang nadakip na suspek ay inaalam pa nila at iniimbestigahan ito.

Wala kasi aniyang anumang nakabinbing police blotter o report na nagsasabing may mga nawawalan ng anak o kaanak na bata sa NCR.

Read more...