Ayon kay Ong, para lumago ang ekonomiya ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ay kailangang bigyan ng prayoridad ang Islamic Banking Law pagkatapos ng May elections.
Bukod aniya sa national budgetary support at ayuda mula sa mga dayuhan ay mahalagang magkaroon rin ng investments sa BARMM upang lumawak ang financial inclusion.
Sa ngayon wala pang inilalabas na committee report ang Mataas na Kapulungan para sa counterpart ng House Bill 8281 na lumusot na sa Kamara noong Nobyembre.
Sa ilalim ng ipinasang bersyon ng Kamara, maaari nang makipag-ugnayan sa negosyo ng mga Pilipino ang private investors mula sa Middle East, Southeast Asia at ilang bahagi ng Africa kapag nagtatag na ng Islamic Banks na magsisilbing financial advisors, depositary institutions at financial conduits.