Epektibo ngayong alas 6:00 ng umaga ang malakihang dagdag sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng dagdag na P1.45 kada litro sa gasolina at diesel at P1.35 naman sa kada litro ng kerosene ang mga kumpanyang Shell, Petron, Chevron, Flying V, at Sea Oil.
May parehong dagdag naman sa presyo ng kanilang gasolina at diesel ang mga kumpanyang Jetti, PTT, Eastern Petroleum, Total, at Petro Gazz.
Dahil sa panibagong oil price hike na ito, mula January 1, 2019 hanggang ngayong araw Feb. 26, pumalo na sa P6.69 kada litro ang itinaas ng presyo ng diesel, P5.89 kada litro sa gasolina at P4.52 kada litro sa kerosene.
Kasama na sa nasabing presyo ang halaga na nadagdag dahil sa excise tax.