Tatlo patay matapos matapos manlaban umano sa buy-bust operation sa Bulacan

Patay ang tatlong lalaki makaraang manlaban umano sa ikinasang buy-bust operation sa San Jose del Monte City, Bulacan.

Ayon kay Supt. Orlando Castil, hepe ng San Jose del Monte City police, aarestuhin sana ang tatlong suspek pero nagpaputok sila ng baril.

Target ng ikinasang operasyon ang isang Joel Andong na kasama sa drugs watchlist sa lugar.

Nakuha mula sa tatlo ang mga drug paraphernalia, isang kalibre 38 na baril, at dalawang sumpak.

Read more...