Capoocan, Leyte niyanig ng magnitude 4 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang bayan ng Capoocan sa lalawigan ng Leyte.

Naitala ang lindol alas 4:48 ng umaga ng Martes (Feb. 26) sa 7 kilometers southwest ng Capoocan.

Ayon sa Phivolcs tectonic ang origin ng lindol at 8 kilometers lang ang lalim.

Dahil sa nasabing pagyanig, naitala ang Instrumental Intensity III sa Ormoc City, Intensity II sa Palo, Leyte at Intensity I sa Borongan City at sa Cebu City.

Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang pagyanig.

Read more...