Lindol naitala sa Isabela at Northern Samar

Naitala ang magkahiwalay na lindol sa Divilacan, Isabela at Laoang, Northern Samar Martes ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang magnitude 2.4 na lindol sa Isabela alas 12:52 kaninang umaga.

Tectonic ang origin ng pagyanig at wala namang inaasahang aftershocks at pinsala.

Samantala, alas 2:17 ng umaga, niyanig ng magnitude 2.2 na lindol ang Laoang sa Norther Samar.

Tectonic din ang origin ng pagyanig at wala ring inaasahang aftershocks at pinsala sa ari-arian.

Read more...