Ang audio recording ay inilabas ng Turkish military ilang oras matapos mailigtas ang isa pang piloto ng pinabagsak na warplane na nagsabing wala talaga silang natanggap na warning.
“This is Turkish air force, speaking on guard, you are approaching Turkish air space, change your heading south immediately, change your heading south,” ayon sa audio recording na inilabas ng Turkey.
Patuloy naman ang pagtaas ng tensyon sa pagitan ng Russia at Turkey bunsod ng nasabing insidente.
Sa kaniyang pahayag, inakusahan ni Turkish President Recep Tayyip Erdoğan ang Russia ng ‘dishonesty’ habang si Russian Defense Minister Sergey Shoygu ay inanunsyo nang magdedeploy sila ng anti-aircraft missiles sa kanilang air base sa Mediterranean coast ng Syria na ang layo sa border ng Turkey ay 30 miles lamang.
Sinabi rin ni Russian Foreign Minister Sergey Lavrov na ‘planned provocation’ ang ginawa ng Tukey na pagpapabagsak sa kanilang warplane.