Sugatan sa nasabing aksidente ang driver ng isang Toyota Corolla na nakilalang si Cyrus Sandoval at driver ng Toyota Vios na si Edilberto Laroso.
Ang dalawa ay kapwa isinugod sa pagamutan ng rumespondeng ambulansya. Wasak na wasak ang dalawang Toyota dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga.
Maayos naman ang kundisyon ng driver ng isa pang sasakyang sangkot na isang Mitsubishi Montero na nakilalang si Peter Ulanday.
Ayon sa traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nawalan umano ng preno ang Toyota Corolla dahilan para banggain nito ang dalawang sasakyan.
Dahil sa nasabing aksidente umabot sa bahagi ng Greenmeadows ang tail end ng traffic sa C5 southbound mula pa lamang alas 4:30 ng umaga.
Pasado alas 5:00 na ng umaga ng maitabi ang mga sangkot na sasakyan.