P1B ‘Build, Build, Build’ Projects, pinasinayaan sa Cagayan

Credit: Villamor Visaya Jr./Inquirer Visayas

Pinasinayaan ng mga opisyal ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) ang ilang milyong pisong halaga ng “Build, Build, Build” projects kasabay ng selebrasyon ng 24th anibersaryo ng ahensya.

Pinangunahan ni CEZA administrator Raul Lambino ang groundbreaking ceremony para sa mga proyekto.

Kabilang ang P301 milyong halaga ng mga warehouse sa Port Irene sa Casambalangan village, P426 milyong halaga ng corporate at commercial centers sa Rapuli village at P100 milyong halaga ng Ropali Point Development sa Pozo-Robo.

Sisimulan din ng CEZA ang P155 milyong halaga ng wharf sa San Vicente village at P17 milyong halaga ng sanitary landfill sa Diora-Sinungan village.

Ayon kay Lambino, ang Port Irene ay planong gawing premier international port sa Hilagang Pilipinas na kayang mag-accommodate ng mga barko para sa Asia-Pacific market.

Read more...