Sequel ng “Space Jam” film, ipapalabas sa 2021

Matapos ang ilang taong preparasyon, itinakda na ang theatrical release ng ikalawang “Space Jam” movie sa Amerika.

Inanunsiyo ng Warner Brothers studios na ang theatrical release ng sequel ng 1996 live action-animated film ay sa July 16, 2021 sa Amerika.

Sa tweet ng SpringHill Entertainment, makikita ang poster ng pelikula kung saan kasama ni NBA superstar Lebron James ang Looney Tunes characters na sina Bugs Bunny at Lola Bunny.

Si James ang papalit sa unang ginampanang role ni NBA legend Michael Jordan sa unang Space Jam.

Ito ang unang pagkakataon na bibida sa big screen si James matapos ang supporting role sa 2015 film na “Trainwreck.”

Excited naman ang mga fans ni James matapos makita ang tweet ng SpringHill Entertainment.

Read more...