Unang Arab astronaut, pupunta sa kalawakan sa Sept. 25

Itinakda na ng United Arab Emirates (UAE) ang petsa ng pagpunta sa space ng kauna-unahang astronaut mula sa Gulf Arab nation.

Sakay ng Russian Soyuz rocket, ipadadala ang isa kina Hazza al-Mansoori at Sultan al-Neyadi sa International Space Station sa September 25.

Unang inanunsiyo ang mga pangalan ng posibleng ipadala sa International Space Station noong September ng nakaraang taon.

Matatandaang inilunsad ang unang locally-made satellite ng UAE na Khalifasat noong October 2018 sa Japan.

Target nitong magsagawa ng imbestigasyon at research sa Mars sa taong 2020.

Read more...