Ayon kay Chief Insp. Fedimar Quitevis, hepe ng San Mariano police, mayroong tama ng bala ng baril sa ulo at saksak sa leeg ang biktimang si Victor Tayaban.
Sinabi ng mga imbestigador na posibleng away sa lupa sa kapwa-magsasaka ang motibo sa krimen.
Si Tayaban ay dating naninirahan at Kasibu, Nueva Vizcaya at lumipat sa naturang bayan taong 2012.
Mag-isang naninirahan si Tayaban at hinala ng mga pulis, pinatay ang biktima habang natutulog.
MOST READ
LATEST STORIES