Ito ang ibinuyag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa unang National Assembly ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas sa Pasay City Lunes ng gabi.
Una rito, sinabi ng pamunuan ng MNLF na dismayado ang kanilang hanay na limang puwesto lamang ang ibinigay sa kanila ng pamahalaan sa Bangsamoro Transition Authority (BTA).
Ang BTA ang pansamantalang mamumuno sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) matapos maratipikhan ang Bangsamoro Organic Law (BOL) na papalit sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Dahil dito, hinimok ni lang ni Duterte si MNLF Chairman Nur Misuari na lumabas para sila ay magkausap.
Utos ng Pangulo sa militar at pulis, hayaan lamang si Misuari.
May kasong rebelyon si Misuari dahil sa Zamboanga siege noong 2013.
Inatasan din ng Pangulo ang militar na hayaang makauwi sa bansa si National Democratic Front (NDF) chief negotiator Fidel Agcaoili.