ASG member patay, CAFGU member sugatan sa enkwentro sa Basilan

Patay ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) habang sugatan ang isang CAFGU Active Auxiliary (CAA) member sa engkwentro sa Isabela City, Basilan Lunes ng hapon.

Ayon sa ulat, sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at rebeldeng grupo sa Sampinit Complex, Masola bandang alas 5:30 ng hapon.

Nagsasagawa ng security operations ang Special Forces Teams sa pamumuno ni 1st Lt. Butale at 1st Lt. Mabansag sa nasabing lugar nang biglang umatake ang ASG.

Hindi naman natukoy kung sino ang lider at ilan ang umatakeng rebeldeng grupo.

Tumagal ng 15 minuto ang bakbakan.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang operasyon ng militar sa lugar.

Ayon pa kay Col. Fernando Reyeg, commander ng Joint Task Force Basilan, rumesponde ang militar sa mga ulat ng komunidad na mayroong presenya ng rebeldeng grupo sa lugar.

Read more...