Sa ngayon, sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na nasa 11,346,352 na balota na ang naimprinta ng NPO.
Katumbas ito ng 17.82 porysento ng kabuuang bilang ng mga kakailanganing balota para sa midterm elections.
Kailangang makumpleto ng NPO ang pag-imprinta ng 63,662,481 na balota para sa 61,843,750 na rehistradong botante sa buong bansa.
Ani Jimenez, target na matapos ang pag-iimprinta ng mga balota sa April 25, 2019 at kaya umano nila itong maabot.
Dagdag pa nito, nauna nang natapos ang mga balotang gagamitin sa overseas voting noong February 16.
Sinimulan naman ang pag-iimprinta ng balota noong February 9, 2019.