Duterte: Si Mayor Sara ang in-charge sa political future naming lahat

Malacañang photo

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte na ang namamahala sa political future ng kanilang pamilya.

Ayon sa pangulo, unti-unti na siyang nawawalan ng impluwensya sa pamilya at si Mayor Sara na ang nangunguna sa anumang Pagpapasya sa usaping pulitikal.

Ipinaliwanag ng pangulo na  kapag natapos na ang kanyang termino sa susunod na tatlong taon hindi na niya mapagsasabihan si Mayor Sara.

Inihalimbawa pa ng pangulo ang ginawang pag-maniobra ni Mayor Sara para mapa-impeach sa puwesto si dating House Speaker Pantaleon Alvarez.

Nauna dito ay itinanggi ng alkalde na inihahanda na siya ng kanyang ama sa pagtakbo bilang pangulo sa 2022.

Sa hiwalay na pahayag ay sinabi ni Mayor Sara na abala siya ngayon sa pangangampanya para sa kanyang mga sinusuportahang kandidato sa Hugpong ng Pagbabago party.

Read more...