US military aid sa Pilipinas, dinagdagan ng US

 

Inquirer file photo

Dinagdagan pa ng Estados Unidos ng Amerika ang ibinibigay nitong na military aid sa Pilipinas sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa South China Sea o West Philippines Sea.

Ayon kay US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg, mula sa naunang inanunsyo ng White House na $50 million, itinaas na sa halagang $79 million ang foreign military funding na tatanggapin ng bansa ngayong taon.

Sa kabila ng dagdag na military aid, iginiit ni Goldberg na patuloy nilang susuportahan ang ligal at diplomatikong paraan ng pagresolba sa isyu ng sigalot sa West Philippines Sea.

Nagpahayag din ng pagkadismaya si Goldberg sa hindi pagkilala ng China sa nagaganap na pagdinig ng UN arbitral tribunal na siyang nag-aaral sa reklamong isinampa ng Pilipinas.

Naniniwala si Goldberg na ito sana ang pinakamainam na paraan upang maresolba ang isyu ng pang-aagaw umano ng teritoryo ng China sa ilang lugar na nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Bilang bahagi poa rin aniya ng commitment ng Amerika, tatanggap ng isa pang Hamilton-class cutter ship ang Philippine Navy at isa pang maritime research ship.

Dalawa pang US Marines C-130 rin at walo pang amphibious assault vehicles ang kasama sa aid na tatanggapin ng bansa mula sa Amerika sa susunod na taon.

Read more...