Black Panther, nanalo ng 2 awards sa Oscars

AP Photo

Napanalunan ng Black Panther ang best costume design at best production design sa Oscars.

Ang production designer na si Hannah Beachler ang kauna-unahang African-American na naging nominado sa naturang kategorya.

Napanalunan naman ng batikang costume designer naman na si Ruth Carter ang kanyang unang Academy award.

Nasungkit naman ng pelikulang “Roma” ang best cinematography sa direksyon ni Alfonso Cuaron. Ang best documentary naman napanalunan ng “Free Solo” nina Elizabeth Chai Vasarhelyi at Jimmy Chin.

Ang biopic na “Vice” ni Adam McKay ang nanalo sa best makeup and hairstyling category.

Samantala, ang pelikulang “Free Solo” ang nagwagi bilang est documentary feature.

Ang pelikula ay tungkol sa rock climber na si Alex Honnold at ang kanyang free solo climb sa El Capitan noong June 2017.

Ayon sa mga direktor ng na sina Jimmy Chin at Elizabeth Chai Vasarhelyi, naging pasubok sa kanila ang pagkuha ng video kay Honnold ng hindi naaapektuhan ang kanyang pag-akyat sa 3,000 feet granite.

Nahirapan din silang magrecord ng sound dahil madalas ay malayo si Honnold sa camera.

Ang pelikula ay kumita ng $19 million worldwide.

Read more...