Bloke-blokeng cocaine natagpuan sa Davao Oriental

Bloke-blokeng cocaine ang nakitang palutang-lutang sa karagatan ng bayan ng Caraga sa Davao Oriental.

Tinatayang nasa 36 kilos na cocaine ang natagpuan na nagkakahalaga ng P200 milyon.

Kaagad namang isinurender sa PDEA Region 11 ang mga nakitang pinagbabawal na drogang nakita sa dagat.

Ayon sa otoridad, sa loob ng isang linggo, umabot na sa 77 na pakete ng cocaine ang nakita sa karagatan ng Siargao at Dinagat Islands sa Caraga.

Read more...