Lalaking bumibili lang ng taho, sugatan sa pamamaril sa Taguig

Sugatan ang isang lalaki matapos barilin habang bumibili ng taho sa Taguig City.

Ayon sa Southern Police District kinilala ang lalaki na si Jeffrey Castro – 26 anyos na bibili sana ng taho nang siya ay barilin ng dalawang bses ng isang suspek.

Nagawa namang makahingi ng saklolo ng biktima dahilan upang maisugod sya sa Taguig Pateros Hospital.

Nagtamo ng tama ng bala sa tiyan ang biktima.

Inaalam pa ngayon kung ano ang motibo ng suspek sa pamamaril.

Read more...