Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 3.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang bayan ng Sarangani sa Davao Occidental.

Naitala ang lindol sa 33 kilometers North east ng Sarangani alas 9:52 ng umaga, Lunes, Feb. 25.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng pagyanig at may lalim na 124 kilometers.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Read more...