Dating Pang. Fidel Ramos hindi nakadalo sa EDSA People Power anniversary

Sa unang pagkakataon hindi dumalo sa selebrasyon ng anibersaryo ng EDSA People Power si dating Pangulong Fidel Ramos.

Sa isinagawang wreath-laying ceremony at flag-raising ceremony, si DepEd undersecretary Lorna Dig-Dino ang dumalo.

Kabilang din sa mga dumalo sa 33rd anniversary ng EDSA People Power ay mga kinatawan mula sa National Historical Commission of the Philippines.

Ito ang unang pagkakataon na hindi dumalo sa aktibidad para sa EDSA People Power anniversary si Ramos.

Taun-taon kasing siya ang panauhing pandangal para sa selebrasyon na ginaganap sa People Power Monument.

Read more...