3 babae, 1 lalaki huli sa pot session sa Maynila

Arestado ang apat na katao sa bahagi ng Paltok St. Brgy.428, Sampaloc, Maynila dahil sa paggamit ng iligal na droga.

Kinilala ng Lacson Police Community Precinct ang mga suspek na sina Rachelle Belenia, 33 anyos, residente ng San Juan City; Jovelyn Cabinbin, 18 anyos, resdidente ng Sampaloc Manila; Myrna Laguardia, 32 anyos, residente ng Sta. Mesa Manila; at Francisco Castro,32 anyos, residente ng Sampaloc Manila.

Nadiskubre ang shabu session ng mga suspek habang nagpapatrolya ang element ng pulisya sa PNR Railroad track sa Paltok St. kung saan aktong nadatnan ang mga ito sa isang barung-barong habang bumabatak ng droga.

Narekober sa mga suspek ang dalawang plastic sachet ng shabu, isang strip ng aluminum foil, at disposal lighter.

Isasalin sa crime laboratory ang mga narekober na ibedensiya para isailalim sa eksaminasyon.

Kasong paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002 ang kahaharapin ng mga suspek.

Read more...