Napigilan ang tangkang pag-hijack sa isang eroplano galing ng Dhaka, Bangladesh at patungo ng Dubai.
Nag-emergency landing ang eroplano sa bahagi ng Chittagong, Bangladesh, 40 minuto matapos umalis sa Dhaka.
Ayon sa Bangladeshi military inter-service public affairs, isang lalaki ang inulat ng crew ng eroplano na kahina-hinala ang kilos.
Hinihiling umano ng suspek na makausap ang kaniyang asawa at si Bangladesh Prime Minister Sheikh Hasina.
Nang hikayataing sumuko ay pinaputukan ng suspek ang mga otoridad dahilan para siya ay barilin ng mga ito na kaniyang ikinasawi.
Ayon sa Civil Aviation Authority ng Bangladesh ang suspek ay “mentally imbalanced” base sa ipinakitang kilos nito.
Ligtas naman ang lahat ng 143 pasahero at 7 crew ng eroplano.