DOH, ikinalugod ang pagsasabatas ng National Integrated Cancer Control Act

Sa pagsasabatas ng National Integrated Cancer Control Act, inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III na seryoso ang administrasyong Duterte na labanan ang sakit na cancer.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Duque na ang pagpirma ng pangulo sa batas ay nagsisilbing regalo para sa mga Pilipino.

Patunay aniya ito na seryoso ang gobyerno na labanan ang isa sa mga sakit na dahilan ng kamatayan ng maraming Pilipino.

Sa naturang batas, ilulunsad ang National Integrated Cancern Control Program para sa mas mura at abot-kamay na medical treatment.

Sa isang taon, nagkakaroon ng 110,000 na bagong kaso ng cancer at 66,000 na cancer deaths.

Read more...