Balitang natuloy umano ang parusang kamatayan kay Mary Jane Veloso, itinanggi ng Indonesia

Itinanggi ng Attorney General’s Office (AGO) sa Indonesia ang balitang natuloy ang parusang kamatayan kay Mary Jane Veloso.

Ayon kay AGO spokesperson Mukri, walang katotohanan ang mga kumakalat na balita ukol sa kaso ni Veloso.

Kinumpirma rin ng Indonesian lawyer ni Veloso na si Agus Salim na nananatili ang Pinay sa Wirogunan women’s prison sa Yogyakarta.

Patuloy pa aniyang hinihintay ang desisyon mula sa korte sa Pilipinas.

Nasentensiyahan si Veloso ng parusang kamatayan sa Sleman District Court sa Yogyakarta matapos makuhanan ng 2.6 kilo ng heroin sa kaniyang bagahe sa Adisutjipto International Airport taong 2010.

Read more...