VP Binay, magiging madali ang laban sa 2016 sakaling ma-disqualify si Poe

 

Mula sa inquirer.net

Tiyak na mas mapapadali sa kandidatura ni Vice President Jejomar Binay kung madi-disqualify si Sen. Grace Poe sa 2016 presidential elections.

Ito ang reaksyon ni Poe sa isang pahayag ni Binay kung saan sinabi nitong hindi natural-born Filipino ang senadora kaya’t nararapat lamang na ma-disqualify siya sa kaniyang pagtakbo.

Pero, iginiit niya na kung iyon talaga ang kahihinatnan ng kaniyang kandidatura ay tatanggapin niya ito bilang respeto sa batas.

Gayuman, nananatili aniya siyang lumalaban sa mga kaso ng diskwalipikasyong inihain laban sa kaniya, kasabay ng pakikipaglaban sa karapatan ng bawat Pilipino.

Naniniwala kasi si Poe na hindi na dapat iwanan o abandonahin pa ng pamahalaan ang isang batang una nang inabandona ng magulang.

Read more...