Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagmula ang apoy sa kusina ng pamilya Pino sa bahagi ng Purok 10 sa Bosque.
Ngunit, hindi pa naman natutukoy ng BFP ang naging sanhi ng sunog.
Naging mabilis ang pagkalat ng apoy dahil gawa sa light materials ang mga bahay.
Sa ngayon, pansamantalang namamalagi ang mga apektadong pamilya sa isang pampublikong paaralan sa lugar.
Napagkalooban naman ng ayuda ang mga pamilya tulad ng pagkain at damit.
MOST READ
LATEST STORIES