Filipino athlete Carlos Yulo, nagwagi ng gintong medalya sa 2019 World Cup Gymnastics

Nagwagi si Filipino athlete Carlos Yulo ng gintong medalya sa men’s floor finals ng 2019 World Cup Gymnastics sa Melbourne, Australia.

Naging mahigpit ang laban ni Yulo at ng pambato ng Japan na si Hibiki Arayashiki.

Nakapagtala si Yulo ng iskor na 14.566 habang si Arayashiki naman ay 14.500.

Hinirang naman bilang third placer sina Rayderley Zapata mula sa Spain at Dominic Cunningham mula Great Britain.

Ang pagkapanalo ng gintong medalya ang nagsisilbing inspirasyon ni Yulo para sa 2020 Tokyo Olympics.

Read more...