Sa isang panayam, tiniyak ni BOC spokesperson Erastus Austria na hindi mapupurnada ang imbestigasyon dahil iba ang lokasyon ng Customs Intelligence and Investigation Service.
Posible kasi aniyang nababahala ang ilan sa maantala ang imbestigasyon ng BOC sa natagpuang shabu sa loob ng magnetic lifters sa Maynila at Cavite noong 2018.
Aniya, hindi magkakaroon ng delay sa imbestigasyon.
Apektado sa sunog ang dalawang palapag ng BOC building sa 16th street South Harbour sa Maynila.
Sa ngayon, patuloy din ang isinasagawang imbestigasyon sa naging sanhi ng sunog sa gusali ng BOC.
READ NEXT
LOOK: Claudine Barretto, nagpasalamat kay Gretchen Barretto sa pag-aalaga sa kaniya sa ospital
MOST READ
LATEST STORIES