LOOK: Claudine Barretto, nagpasalamat kay Gretchen Barretto sa pag-aalaga sa kaniya sa ospital

Photograb from Claudine Barretto’s official Instagram account

Nagpasalamat si Claudine Barretto sa kapatid na si Gretchen Barretto dahil sa pag-aalaga habang naka-confine sa ospital.

Sa Instagram, nag-post ng larawan ni Claudine para magpasalamat sa pag-aalaga sa kanya ni Gretchen sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City, Taguig.

Sa kabila ng sakit, makikitang masaya pa rin si Claudine dahil sa pag-aaruga ng kapatid.

Ibinahagi rin ni Claudine na binigyan siya ni Gretchen ng malaking squirrel-looking pillow bago sumailalim sa Magnetic Resonance Imaging o MRI.

Maliban dito, sinabi pa ni Claudine na isa siyang ‘spoiled little sister’ dahil sa mga ipinadalang pagkain ng kaniyang ate.

Makikitang nagkaayos na ang dalawa matapos mag-comment si Gretchen sa isa sa mga post ni Claudine ng, “I love you my baby sister.”

Matatandaang nagkaroon ng pagpapatalo ang magkapatid taong 2013.

Read more...