P1.5M halaga ng shabu nasabat sa buy-bust operation sa Cainta, Rizal

Narekober ang nasa P1.5 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Cainta, Rizal.

Nakuha sa mga suspek ang 16 pakete ng bawal na gamot na may bigat na 230 gramo.

Ayon kay Rizal police chief Supt. Lou Evangelista, naganap ang operasyon sa harap ng isang supermarket sa Barangay Sto. Domingo bandang 7:00, Sabado ng gabi.

Nakilala ang mga suspek na sina Jaban Aliin, 27-anyos, at kasamang babae ni Aliin na edad 18.

Nahuli ang mga suspek matapos bumili ang isang pulis na nagsilbing poseur-buyer sa operasyon ng shabu na nagkakahalaga ng P2,500.

Ang dalawang suspek ay parehong residente ng bayan ng Taytay.

Sa ngayon, nakadetine ang dalawa sa Cainta police station.

Read more...