Ito ay matapos manumpa noong Biyernes ang mga miyembro ng Bangsamoro Transitition Authority (BTA) na pansamantalang mamahala sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Galvez na uumpisahan ang pakikipag-usap kay Misuari sa pamamagitan ni Peace Adviser undersecretary Nabil Tan.
Maari aniyang mag-umpisa sa susunod na linggo ang naturang pag-uusap.
May maganda na aniyang pundasyon ang pamahalaan at MNLF dahil sa Bangsamoro Organic Law (BOL).
Sa ngayon, hindi pa matiyak ni Galvez kung aalukin din ni Pangulong Duterte si Misuari ng sariling Bangsamoro region.