Galvez, tiniyak na hindi mauuwi sa kaguluhan ang pagkadismaya ng MNLF sa BTA

Tiniyak ni Presidential Adviser on the Peace Process Carlito Galvez na hindi mauuwi sa kaguluhan ang pagkadismaya ng Moro National Liberation Front (MNLF) na maliit na bilang lamang ang naibigay na puwesto sa Bangsamoro Transition Authority (BTA).

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Galvez na magtutungo siya sa Cotabato sa araw ng Lunes para sa official turnover ng BTA.

Inaasahan na aniyang magkakaroon ng transition sa February 26 sa pagitan ng mga opisyal ng Autonomous Region in Muslim Mindanao at mga opisyal ng BTA.

Ayon kay Galvez, kakausapin din niya ang mga kinatawan ng MNLF.

Read more...