Rockets wagi vs Warriors sa iskor na 118-112

Sa kabila ng hindi paglalaro ni James Harden, nagwagi pa rin ang Houston Rockets kontra sa Golden State Warriors (GSW) sa iskor na 118-112.

Pinangunahan ang laro nina Eric Gordon na nakapagtala ng 25 points at Chris Paul na may 23 points.

Hindi nakapaglaro si Harden dahil sa iniindang strained neck.

Kung naglaro sa naturang basketball match, sinabi ni Coach Mike D’Antoni na posibleng kaya pa rin ito ni Harden sa kabila ng injury at flu.

Samantala, nanguna naman sa GSW sina Kevin Durant sa iskor na 29 points at Stephen Curry na may 25 points.

Sa unang bahagi ng fourth quarter, napalabas sa laro ang GSW power forward at center na si Draymond Green matapos magkaroon ng sprained left ankle.

Umaasa naman ang koponan ng GSW na hindi matindi ang injury ni Green.

Read more...