Tumatakbong councilor sa Masbate, patay sa pamamaril

Patay sa pamamaril ang isang kandidato bilang councilor sa Cataingan, Masbate Sabado ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Romeuel Medina, 40-anyos at dating pulis na tumatakbo bilang councilor sa May elections.

Binaril si Medina sa loob ng kaniyang bahay sa Barangay Poblacion bandang 7:00 ng gabi.

Sa ulat ng pulisya, agad sumakay ang hindi pa nakikilalang suspek sa Bajaj motorcycle matapos barilin ang biktima.

Nasawi si Medina habang dinadala sa Cataingan Dsitrict Hospital.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang posibleng motibo sa pamamaril.

Read more...