Sa isang post sa Twitter, inanunsyo ni Comelec Spokesperson James Jimenez na ang mga ballot face template sa maaaring i-check sa website ng poll body na www.comelec.gov.ph.
Sa mga templete, makikita ang listahan o pangalan ng mga kandidato sa pagka-senador.
Makikita rin ang pangalan ng mga pwedeng ibotong district congressmen, party-list groups at local candidates gaya ng mayor, vice mayor at councilors o sangguniang panglungsod members.
Sa itaas na bahagi ng template, mababasa ang paraan ng pagboto at iba pang detalye.
Ang eleksyon sa May 13 ay automated, kaya kailan lamang itiman ang loob ng oval sa tabi ng pangalan ng kandidatong napili.