‘Walang 9-dash line’

 

Mula kay xoilo velasco/contributor

Nanindigan ang Pilipinas sa arbitral tribunal na walang basehan ang nine-dash line na ginagamit ng China para angkinin ang West Pilippines Sea.

Ito, ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte ang tinutukan ng delegasyon ng Pilipinas sa unang araw ng presentasyon ng merits argumento ng Pilipinas sa The Hague, Netherlands.

Iginiit ni Principal Counsel Paul Reichler sa harap ng tribunal na walang kinikilalang ganoong probisyon ang United Nation Convention on the Law of the Sea.

Tinalakay naman ni Professor Bernard Oxman ang paglabag sa batas ng pang-aangkin ng china sa mga teritoryo na lampas sa nakalagay sa UNCLOS at kung paano nito pinaghihimasukan ang coastal rights ng mga bansa tulad ng Pilipinas.

Dagdag naman ni Andrew Loewenstein na kahit halimbawa na may nine- dash line sa UNCLOS, hindi pa rin na-satisfy ng China ang isa sa requirement sa pag-angkin ng isang teritoryo at ito ay ang matagal at tuloy-tuloy na kontrol sa West Philippine Sea.

Katunayan, nagprisinta si Loewenstein ng walong mapa kabilang ang isa na galing pa sa Ming dynasty kung saan ipinapakitang hindi kasama ang mga inaangkin nito ngayong teritoryo sa ilalim ng nine-dash line.

Read more...